Mensahe ng Butil ng Kape
Lunes, Nobyembre 14, 2016
Repleksyon
Ang mensahe ng butil ng kape ay nagpapakita ng kung paano mo haharapin ang mga pagsubok sa ating buhay. Maihahalintulad natin ang tatlong nabanggit sa kwento sa ating buhay. Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang carrots, kapag nagtatampo ako sa aking mga magulang ay nagiging matigas ang aking ulo at nagiging sanhi rin ito minsan ng aking pagkatamad, ngunit naglalaho rin ito sapagkat naiisip ko na hindi dapat ganoon ang ipinapakita ko sa kanilang asal. Kung minsan naman ay maihahalintulad ko ang aking sarili na katulad ng isang itlog, sa kabila ng aking mga ngiti sa labi ay sa likod nito ay may lungkot na nararamdaman lalo na at kung may pinoproblema ako. Pero mas higit kong ikinukumpara ang aking sarili sa isang butil ng kape sapagkat sa kahit anong problema na dumating sa aking buhay ay kakayanin ko parin itong lampasan katulad na lamang ng isang sabi ng mga matatanda dito sa amin na, hindi ka bibigyan ng problema ng Diyos kung hindi mo ito kayang lagpasan.
Linggo, Nobyembre 13, 2016
Buod
Ang kwentong ito ay tungkol sa mag-ama, ama na isang magsasaka. Habang nagbubungkal ng lupa ang ama ay narinig niya ang kanyang anak na lalaki na nagmamaktol. Binabanggit ng kanyang anak ang hirap at pagod na nararanasan niya sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
At sa pagkakataong iyon ay tiningnan niya ang kanyang anak at tinawag para pumunta sa kusina.Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang salitaan sa mga oras na yun. Hindi nagtagal at kumulo ang tubig.Sinunod na inilagay ng ama sa mga palayok ang carrot, itlog at butil ng kape. Nagsimulang magpaliwanag ang ama patungkol sa dinaanang proseso ng tatlo. Pare-pareho itong inilahok ngunit iba-iba ang reaksyon. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay nagiging malambot na kumakatawan sa kahinaan, Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape ng ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.At tinanong ng ama ang anak, "Alin ka sa kanila?"
Inihalintulad ng ama ang carrot,itlog at ang butil ng kape sa buhay ng isang tao. At nagtanong muli ang ama kung ano ang kanyang pipiliin sa tatlo. Ngumiti ang anak, at kasunod nun ang kanyang tugon "ako ay magiging butil ng kape.. katulad mo mahal na ama"
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)